top of page

Taking the road of humility (Day 2)

Writer's picture: Kirsten AlcazarKirsten Alcazar

Since the virus is still standing still (na ol strong, char) F2F classes are not yet allowed and the only way to communicate with our teachers/ professors is through messenger, zoom, etc.

Kung tayo nahihirapan, sila din. Madami sa mga teachers naten hindi lang estudyante ang turing saten, most of them para na rin nila tayong anak.

I saw a post of my professor saying the quote of "masakit para sa kaniya dahil wala siya sa tabi ng kaniyang mga estudyante para magturo" though hindi ko na matandaan yung exact words but the idea is there. (lol)

So let's start.

 

Hindi ba dati pa dati sinasabi yan?

Tuwing may:

  • exam

  • quizzes

  • activity

  • memorization time

  • recitations

Pero bakit ngayon sobra tayong naka-focus diyan? Dahil?

  • tinatamad tayo mag-doble ng effort kasi wala sa tabi natin ang mga professors/ teachers natin

  • kasi hindi tayo nagta-try. Inuunahan ng katamaran

  • busy tayo kalalaro ng ml, minecraft, COD, anupa?

  • madami tayong pina-prioritize na less important sa kinabukasan natin

  • simply tinatamad

  • stick to the cycle of gising-kain-higa-tulog (baboy lang ang peg? eh masyado mong ini-idolo ang buhay ng baboy)

What I'm saying is, DO NOT WASTE the opportunity na makapag-aral dahil maraming bata diyan ang gustong mag-aral pero walang kakayahan ang kanilang magulang para ibigay sa kanila ang pagkakataon mag-aral.


Ikaw na nagbabasa, isa ka ba sa mga nabanggit ko? Kung isa ka diyan, it's time for you to stand up & fix yourself. para sa huli hindi natin sisisihin ang gobyerno dahil wala tayong magandang trabaho at hahawak nalang sa patalim na magtrabaho sa ibang bansa at iwan ang pamilya para lang bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak natin kung noon pa lang pinagbibigyan na tayo, nakahain na sa atin para maging maayos ang kinabukasan natin at nang ating pamilya. :)

"Learn to stop complaining & start fixing yourself."

 

Hindi naman purkit sinabi nating "Teacher" sa kanila lang dapat naka-assign ang pagtu-turo.

Parents should be the first teachers of their children, why?

Based on my own experiences:

(I'm not a professional psychiatrist so if ever I said something feel free to correct me)

  • Kung pano ka makita ng anak mo mamuhay, ginagaya ka niya.

  • Kung pano mo ipakita sa anak mo kapag galit ka, ganun din siya kapag galit siya.

  • Kung ano ka bilang isang tao, pwede rin ma-adopt ng anak mo ang ugali mo.

  • How the way you speak when you're anrgy, sad, irritated, happy & moody, pwede rin ma-adopt ng anak mo ang ugali mo in that aspects.

What I'm saying is, as a daughter I see that malaki ang posisyon ng magulang sa kanilang mga anak. Because to be honest, kung gusto mong lumaki ang anak mo na maayos dapat iniisip din natin ang ating ugali and how we react to the problems of the society. Dahil san ba matututunan ng isang bata ang isang bisyo kundi sa magulang nila, hindi po ba?

So let's get back to the topic:

Hindi mahirap kapag willing ka na magturo sa anak mo, the only reason kung bakit sinasabi natin na "Bakit pati magulang kailangan magturo" is because it's your own excuse as a parent. Siguro tinatamad ka dahil iba na ang curriculum, or maybe you prioritized your financial stability, or whatever reasons you have.

Wala naman pong masama mag sideline sa panahon ngayon and because money is essential nowadays pero dahil masyado tayong focus sa mga pangangailangan natin nakakalimutan na natin ang mga pangangailangan ng mga anak niyo.


"Being a parent is one of the biggest responsible you/we could ever have"


Because sa parents nakasalalay para lumaki ang anak ng maayos. Sa parents nakasalalay kung paano matututo ang bata ng tamang asal especially in times of anger.

So let's get to the problem: Mahirap pag aralan ang curriculum ngayon dahil bago na, iba din ang way ng pagtuturo at iba din ang mga lessons na tinututro ngayon

Then let's forget the negative vibes at diretso kung pano sosolusyunan ang problema:

  • As the parent pwede ka naman makipag-usap sa mga teachers kung papaano iintindihin ang curriculum ngayon.

  • Pwede ka din manuod ng tutorial videos sa youtube. Life beame easier because of the innovation so wala tayong karapatan mag-complain na ang hirap ng buhay.

    • Learn to be open to your child dahil minsan, what they say make sense.

Ika nga nila, kapag ayaw palaging may excuses and I think that's true.

 

Ooops, I totally forgot. Always have a pocket of patience! Your child may need a lot of it.

I remember what my teachers says in personality development: "As a parent kailangan natin matuto na i-adjust ang utak natin sa utak ng bata, dahil tayo as the older one we have the capability of it but for our children siguro at their age hindi pa nila kaya"

I will translate to you para mas maintindihan niyo: Let's give an example:

Nag iiyak yung anak mo sa loob ng simbahan or maybe the tantrums time sa public tapos ikaw as a parent (the older one na may kakayahan intindihin ung bata) magagalit ka kasi mali yung behavior niya sa place. It's either sisisgawan mo siya, papagalitan at ipapahiya sa harap ng madaming tao. Then he/she as a child (na bago pa lang natututunan ang tama at mali) mag-iiyak kasi hindi niya alam bakit nagagalit parents niya. The message of this example is, may mga times na kailangan intindihin ang mga bata (kahit ubos na ubos na ang pasensya) dahil may mga bagay na mali sa atin na akala nila okay lang. We should be the one who teaches them the manner of understanding hanggang ma-attain ng brain nila ang neuroplasticity.

(Neuroplasticity - ability of the brain to change & adapt)

 

 

For everybody's information, I would like to share that may ginagawa din ang mga teachers para makipag meet halfway sa kanilang mga estudyamus.

Karamihan sa mga teacers ngayon nag undergo ng webinar kung saan umattend sila ng seminar through internet para pag usapan kung papaano nila ituturo ang mga topics sa students & to learn the flexible education through their chosen apps & websites na pagdadausan ng quizzes, exams & discussion.


We should see that lahat naman tayo nahihirapan sa panahong ito, pero we should learn to stop complaining & learn to appreciate the efforts of our dear professors & teachers. Hindi niyo ba na-realize papaano nalang kung walang laptop & stable wifi ang mga teachers natin?

Have you ever realized what kind of burden is that to them?


Ginagawan na ng paraan ng Deped & Ched ang flexible education yet may complain pa rin tayo. Kapag wala naman ginawang action, we still complain. Tapos magtataka ka bakit ang hirap hirap mabuhay sa mundo kung pinapadali na nga ni Lord pero ikaw itong gumagawa at nagda-dagdag ng sarili mong gawang problema sa buhay mo?

Does that make sense everybody? Pwede naman makipagtulungan nalang since lahat naman nahihirapan din kesa mag-complain tayo.


As the teachers do their part, do yours as well. Even if you're a parent/ a student. Don't waste the efforts of this noble persons.

 

Stop complaining & appreciate the things they are giving.

Sa panahon ngayon, puno ng galit, inis ang ating mga puso dahil sa pandemic na ito. Kaya mas pairalin natin ang mga values ni Lord para mamuhay ng maayos at maka-recover habang humahanap pa ng lunas sa pandemic na ito. STOP, STOP, STOP COMPLAINING & LEARN HOW TO MEET HALFWAY TO OUR DEAR PROFESSORS, TEACHERS, DEANS.

 

I would like to thank my professors & dean (ongoing) hihi. For their efforts. Hindi man sapat sa paningin ng iba pero malaking tulong na ang magbigay ng effort. Na kahit hirapan sa wifi/ walang stable na wifi at umaasa lang sa load they still make way para makapgturo ng discussions especially we are a medical students na mas kailangan ng practical & hands-on teaching.

So tell me who are you to make excuses na mahirap mag-aral kung ang aming mga professors can have their own way para makapag-turo. Hindi nila ginagawa ito para mahirapan tayo, ginagawa nila ito dahil gusto din nila tayo bigyan ng magandang kinabukasan at trabaho, always remember that.


Hindi lahat ng tao habol ang pera, dahil mas mayaman pa ang quality ng edukasyon na ilalagay nila sa utak naten kesa sa mga milyong milyong kinukurakot ng gobyerno.

 

Since a lot of people is having trouble para pagsabayin ang kabuhayan at pag-aaral,

As we end the journal pray this:


Godbless ya'll!


4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Subscribe Form

  • facebook
  • twitter

©2020 by asktemi. Proudly created with Wix.com

bottom of page