Taking the road of humility (Day 7)
- Kirsten Alcazar
- Jul 12, 2020
- 3 min read

And now, we’re on our last day of Journal. Naalala ko yung sinabi ni Fr. Orbos “When you worry, you hurry to the cemetery” may point noh?
Yung mga taong hindi marunong mag-intay na magsubside ang covid, lalabas para mag-alis ng inip dahil sa pagmamadali at pagma-matigas lumabas na-infect and kapag nag-positive ka sa covid 50/50 ang chance ng survival mo.

Madalas kasi kapag nagwo-worry tayo naka-focus yan sa future. Kung mahahalata niyo yung pinag-aalala niyo is napakalayo pa.
Hindi pa nga nangyayari worried agad kayo.
Why worry when you can focus on what is the present. The present says it all.
Kung alam niyong nagwo-worry kayo, always seize the day. The response to your future is in your present. We should not focus on what is in the future, malayo pa yan, hindi pa time nung problem mo dahil pang-future yan. The only way to cure your worry is to pray.
Alam niyo ba yung verse na nagsasabi na
“God always provide?”.
Trust in that verse. And trust God na kahit hindi ka sure sa kung kahihinatnan ng future mo, magtiwala ka na kasama mo si God.

Palagi kong nababasa sa devotional plans ko. “So little faith little one” kapag dumadating yung time na nawawalan tayo ng tiwala kay Lord. Kapag napapagod na tayo, it’s okay.
Pagod ka nang magdasal kasi feeling mo hindi naman niya naririnig yung prayers mo
Pagod ka nang makinig kasi nakakapagod, basta.
Pagod ka na sa lahat ng bagay.
Isa lang ibig sabihin nan, humihina na yung faith mo & the only thing you need to do is to renew it. Magbalik loob ka kay Lord. And you will get back on you track. Kaya natin mabuhay ng metatag sa mundong ito, kung palagi nating kasama si Lord.

Kung mapapasin niyo, habang tumatagal ang panahon, palala ng palala ang gobyerno, ang pandemic, kahirapan, corruption, negative traits of the people.
As what other say, lahat may katapusan. Itong pandemic na ito, na sa tingin natin na hindi matatapos. The right time will come na matatapos din.
Dumating yung time na naiiyak ako sa pagod dahil palala na ng palala ang problema ng mundo, tapos yung pandemic lumalala din, yung mga sacrifices ng med. Prof. nawala lang dahil hindi disiplinado ang mga tao sa bansa natin.
Pero pinili kong panghawakan ang tiwala ko kay God na everything ends. Hindi man ngayon, I know someday dadating din yung panahon na mamatapos itong paghihirap natin. Babalik muli sa dati ang lahat.
Makakakain na tayo ng Malaya, makakapag roadtrip, travel tulad nang buhay natin bago dumating ang covid-19.
Narealize ko lang… ang dami nating complain nung wala pang covid. Nung okay pa ang lahat. Until nung lumabas ako ng bahay last week… nakaka-miss din pala. Yung dating kinau-umayan kong place pagpasok ng school… nami-miss ko. Bigla ka nalang mapapasabi na
“Sana pala, hindi ko ni-take for granted yung mga panahong okay pa ang lahat, at maging thankful nalang sa bawat araw na dumadaan."
Now guys, this pandemic will change us all. Let this pandemic change us all.
Magbago na tayo. We have a chance ‘cause God is always giving us another day to live… Wag natin sayangin ang mga buhay na ipinagkaka-loob sa atin.
I would like to thank you for all those people who is currently reading my blogs or finished my 1st journal. Godbless ya’ll. Whoever you are, I am thankful. Thank you.
~ In this last part your prayer can be your own intentions. ~
Sincerely, Temi.
Comments