top of page

Taking the road of humility (Day 4)

Writer's picture: Kirsten AlcazarKirsten Alcazar

Hi Gals! Now we’re on the 4th day of our journal, laliman na natin yung nilalaman ng bawat letter. Okay ba yon? Para mas challenging, before starting; Let’s ask ourselves:

“Nakakuha ka ba ng ayuda?”

Ako kasi hindi, kasi daw nasa sosyal na subdivision kaya hindi nabibigyan or bakit yung ibang lugar sa amin nabigyan pero sa phase naming walang dumating? Pati baa ng ayuda politika? Kapag wala kang tao sa loob ng gobyerno hindi ka kilala?

Bakit nga ba ganon? Bakit napaka-unfair ng mundo sa mga taong walang kilala sa loob ng gobyerno lalo na yung mga taong hirap sa buhay?

Kelan ba matatapos ang maduming pamamalakad sa Pilipinas? Matatapos pa ba?

 

Yan ang madalas nating sinasabi kapag nakita natin na ibang ayuda ang nakuha natin sa nakuha ng ating kapitbahay o kakilala. Naaalala niyo pa ba yung sinabi ko na ang social media ang pinag-uugatan ng inggit? Well I guess, papasok uli si social media sa topic na to, hindi ba?


Sa social media, madami tayong nakikita… at dahil madami tayong nakikita dapat isipin natin na pagdating sa media may mga bagay tayong ipinapakita sa public at itinatago sa public. Kumbaga pwede tayong mag-balatkayo sa harap ng camera. So let’s keep in mind na “hinay hinay lang sa nakikita sa social media” dahil hindi natin alam kung totoo baa ng nakikita natin o hindi. Wala namang masama hindi ba dahil nag-iingat ka lang.

Pagdating sa ayuda syempre “hotseat topic ng taon” yan at dahil diyan tayo umaasa ng pang-araw araw nating pagkain lalo na at marami ang tigil sa trabaho. Pero dahil sa gobyerno natin na hindi natin alam kung pinapalakad ba ng maayos o kung san ba talaga napupunta ang pera na idino-donate ng mga sikat na tao at ibang bansa, nakikita natin na nandyan pa rin ang kahirapan ng bansa kahit may mga taong tumutulong sa gitna ng pandemyang ito.


Ang point ko, bakit ba natin kailangan tingnan ang ayuda ng ibang tao kung pwede naman tayo mag-focus sa kung anong meron tayo. Dahil kung patuloy lamang tayo titingin sa ibang tao at maninira ng kanilang reputasyon at buhay, patuloy lang tayo mabubuhay sa ugaling ito hanggang mamatay tayo.


Kung nakakuha ka ng ayuda, magpasalamat dahil hindi lahat nakakatanggap. Kung wala, tipirin kung anong meron kayo sa bahay niyo. Uso diet diba? Panindigan mo. (char!)

 

Isa pang problema sa mga tao ngayon:





Ikaw na nga binigyan, napaka-arte at choosy mo pa.

Kelan ba tayo matututo magpasalamat at magpahalaga sa mga bagay na natatanggap natin gaano man ito kaliit o kalaki?

Kelan ba tayo titigil mag-complainsa mga bagay na natatanggap natin?


Kelan natin bubuksan ang isipan natin na hindi mundo ang maga-adjust sa kaartehan natin?

Hindi pa ba sapat na bingyan tayo ng planeta para tirhan? Hindi pa ba sapat ang mga binigay sa atin ni Lord at patuloy lamang tayong mabubuhay sa galit, inis at inggit?

Napaka-gaan na ng buhay natin ngayon pero lalo pa natin pinaba-bigat.

Bakit? Dahil hinahayaan natin na mabuhay tayo sa mga toxic nating ugali.


Ikaw? Isa ka ba sa mga taong mahilig mag-complain? Manilip ng blessing ng ibang tao?

Maybe, you should start fixing your habit. Lapit ka kay Lord, humingi ka ng tawad at hilingin mo

ang kaniyang gabay para mabago mo ang sarili mo hindi dahil sinabi ng society o ng kahit sino kundi dahil yun ang tama.


Kung gusto mong mabuhay ng maayos, wag kang manilip ng buhay ng iba, start looking at yourself. Mahilig ka mang-judge ng ibang tao pero yung sarili mong dumi hindi mo pinapansin.

 

As I’ve said earlier & always. Appreciate. Kung nakakatanggap ka ng ayuda, pahalagahan mo, tipirin mo, gamitin mo sa tamang pamamaraan pera man yan o pagkain, at magpasalamat ka dahil may nagbibigay sa inyo/ sayo ng ayuda.


Kung hindi ka nakakatanggap ng ayuda, it’s a big challenge for you & to your family. Wag mo dalhin yung problem sa negative energy, hindi ka na nga nabibigyan papalakihin mo pa yung problema mo.

Imbis na gumawa ka ng problema, gumawa ka ng solusyon.

Hindi ba mas magandang option yun? Kahit na mabigat ang challenge sayo ng buhay, natututunan mong tumayo sa pagkaka-dapa mo?

Iisa lang naman ang ginusto ni Lord sa ating lahat. Ay ang matutong gumawa ng paraan kapag pinaglalaruan ka ng tadhana, at maging matatag kapag binibigyan ka ng pagsubok.

Sa buhay hindi pwedeng lalamya-lamya ka. Kapag binibgyan ka ng pagsubok hindi ibig sabihin pinaparusahan ka ni Lord.


Ang ibig sabihin lang niyan, gamitin mo yung pagsubok sayo bilang lakas para maging matatag sa buhay at maging mapahalagang tao, mapagpasalamat at matulungin sa mga taong nangangailang ng tulong.

Hindi palagi nandiyan ang mga taong mabait para tulungan tayo, be one of them & start poisoning the society with your kindness!


Hindi pa huli ang lahat, simulan mo nang ayusin ang ugali at buhay mo. Kapag sinimulan mo, maiintindihan mo kung bakit ganito ang buhay ng isang tao. Unfair man sa mata ng taong negative—Pagsubok naman sa mata ng taong positive.

 

Always remember mga bloggerista,


Kapag binigyan ka ng pagsubok wag ka nang gumawa ng problema, hence, gumawa ka ng solusyon para mas maging magaan ang buhay mo.

Hindi mahirap ang buhay natin, tayo lamang ang nagpapahirap sa ating mga sarili. Nandyan lagi si Lord, nag-aantay lang satin, nag-aantay lang na matuto tayong ibaba ang pride natin at aminin na hindi natin kakayanin ang anumang pagsubok kung wala siya.


 

And as we end our journal, let’s pray this:

Godbless you day!

14 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Subscribe Form

  • facebook
  • twitter

©2020 by asktemi. Proudly created with Wix.com

bottom of page