![](https://static.wixstatic.com/media/ea17ed_9ff05ae370824a3d9bfb08e8e17d27a4~mv2.jpg/v1/fill/w_600,h_200,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/ea17ed_9ff05ae370824a3d9bfb08e8e17d27a4~mv2.jpg)
Ang dami nang nangyari sa atin simula ng pumasok ang 2020, maraming kaguluhan ang nangyari, corruption. racism at iba pa.
![](https://static.wixstatic.com/media/ea17ed_049ab819d0324244a7fa1ef5c8de62be~mv2.jpg/v1/fill/w_600,h_200,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/ea17ed_049ab819d0324244a7fa1ef5c8de62be~mv2.jpg)
Sa tingin naten, may naitulong ba ang pandemic na 'to sa buhay naten?
May pros & cons... pero hindi pa rin natin maiwasan isipin kung papaano babalik sa dati ang lahat.
Madami ang nawalan ng trabaho, dahil kailangan sundin ang bagong rules under new normal.
Madami ang nawalan ng bahay, dahil may ilan sa atin na wala halos inisip kundi ang sariling
kapakanan
Madami rin ang namatay dahil sa sakit na COVID-19, & since it has proven na airborne disease
and virus mas mahihirapan tayo kahit may new normal rules dahil wala pang bakuna sa virus
na 'to.
Pero hindi lang naman puro negative side ang naidulot ng cirus na to. Marami din ang taong natuto tumulong, magbigay ng ayuda at mga gamot sa mga taong nangangailangan.
![](https://static.wixstatic.com/media/ea17ed_5fc9124c9cb94e44801f949b5cf8c175~mv2.jpg/v1/fill/w_600,h_200,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/ea17ed_5fc9124c9cb94e44801f949b5cf8c175~mv2.jpg)
Yes, sa paglipas ng panahon... padami ng padami ang mga namamatay at dahil may ilang tao rin na hindi marunong makinig sa rules ng WHO & DOH hindi bumababa ang bilang ng mga namamatay at nai-infect na tao.
Marami sa atin hindi sumusunod sa rules or minsan gumagawa ng paraan kahit lalabagin yung rules na binigay sa bawat lugar. bakit?
dahil kailangan ng pagkain sa pang araw-araw
para hindi maubusan ng supplies, napaka-daming binibili halos maubusan na yung mga taong bibili pa lamang ng supplies sa grocery
hindi kayang mag-intay ng tamang time para maglamyerda.
Ang sinasabi ko lamang, may ilan sa atin (aminin na natin) na kahit lockdown pa or under new normal na hindi pa rin marunong makinig sa sinasabi ng mga authority... kapag may nakita tayo na nagla-lamyerda makikigaya
"eh bakit si ano nasa labas na kasama yung kaibigan nila namamasyal"
dahil lang nakita gagaya agad tayo? Kailangan ba maki-uso?
New normal doesn't mean safe na lumabas, it just mean that the government adjusted our way of living dahil sa virus na nananatili pa rin sa mundong ito. Ni-lift ang lockdown for the economy.
Hindi natin masasabi kung kelan tayo dadapuan ng sakit dahil ang virus ay airborne.
Wag na tayo maki-uso dahil hindi lamang tayo ang mapapahamak kundi binabalewala lamang natin ang sakripisyong binigay ng mga medical professionals.
![](https://static.wixstatic.com/media/ea17ed_01d456f13716491b862f509c3067e1c3~mv2.jpg/v1/fill/w_600,h_200,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/ea17ed_01d456f13716491b862f509c3067e1c3~mv2.jpg)
Most importantly dahil napaka-layo natin sa isa't isa mahirap mag-adjust.
Minsan lalabas ka nakakalimutan mo mask mo, nakakalimutan mo mag hand-hygiene bago pumasok ng mga tindahan, palaging napapagalitan ng guard sa mall dahil mali ang daan.
May ilan sa atin na hindi kaya mawalay sa mga relatives & family natin, yung iba naman parang blessing na ang hindi makita ang mga kaaway nila sa school, office etc. pero le'z try to analyze... sa inyong sarili ano ba yung na-challenge sa inyo when it comes to your relationships with other people...
Madami sa atin, ang dami daming narerealize at nakikita dahil sa paglaganap ng pandemic na to, hindi lang issue sa ating bansa kundi issue din ng ibang bansa.
And most importantly is our relationship with God.
Some people hindi pinapansin kung makaka-attend ba sila ng mass every SUnday even katabi mo na or nasa harap mo na (your phone) at dahil bawat ang mass gathering.
Yung iba naman, natuto kung papaano nila papalalimin pa lalo ang relationship nila kay God, some started to read the bible or do novenas, praying their rosary once a day...
Pero ang hindi natin nakikita, ang magpasalamat kay Lord, dahil kahit watak watak na yung foundation ng relationship natin sa kaniya hindi pa rin niya tayo pinapabayaan... tayo na nakakalimutan magdasal tuwing umaga para magpasalamt sa buhay na binibigay niya, bago kumain para magpasalamat dahil hindi lahat ng pamilya at tao nakaka-kain ng 3 beses sa umaga at bago matulog para magpasalamat sa araw na binigay niya at mairaos ng maayos ang buong umaga.
Can't you see the most important kind of relationship na kailangan natin pagtuunan ng pansin is not just with our family, bf/gf, relatives, but with God. Kasi kung wala si Lord, saan nalang tayo pupulutin hindi ba?
We should see that this pandemic is not just a pandemic itself, this pandemic is a challenge for us to fix our relationship with other people & with God, because through this virus natututo tayo kung papaano tumulong sa ibang tao, paano magbigay ng mga pagkain sa mga taong nangangailangan at ayusin ang mga sarili natin through reflecting...
Marami nag-break na couples, marami ang nawalan ng karamay sa buhay, may nakita tayo sa mga kaibigan natin kung sino ba talaga sila... at marami pang iba pero hindi dapat tayo nagfo-focus sa ba side kundi sa kung ano ang pwede nating gawin para maayos ito. Dahil kung patuloy natin sisislipin ang bad side, paano tayo mag-grogrow diba?
Maybe for you, marami ka rin dapat ayusin sa sarili mo lalo na ang relationship mo kay God.
At dahil dito ang dami na nating na-file na complaints against each other:
Why?
Because of the social media, karamihan sa atin ginagamit ang social media para manira ng kapwa tao, para ipakita sa public ang baho ng kakilala natin at para palaganapin ang hatred natin sa isa't isa. Look what is happening in our society, ang dami batikos sa gobyerno, ang daming comments sa mga taong hindi nila gusto... and yet we still continue doing it.
Minsan sa buhay, kailangan natin isipin kung kinakailangan ba i-share sa publiko ang mga iniisip natin dahil hindi natin namamalayan nadadala na pala tayo ng emosyon.
I remember my spiritual adviser nung highschool sabi niya hindi siya gumagamit ng fb dahil pinag-uugatan lamang ito ng inggit. And yes, it's true.
Aminin natin, kung ano yung nakikita natin minsan nahihili tayo na gusto rin natin magkaron nung bagay na nakita natin sa social media. And later on, nakakagawa tayo ng hindi maganda para lang makipag-sabayan sa panahon.
Wala naman masama gumamit ng social media but we should use it with moderation & control. Wala din masama kung mag-post ka sa social media ng mga binibili mo pero it should be in control. For me kasi mas maganda yung may privacy ka sa buhay mo, hindi lahat ng nangyayari sa buhay mo kailangan mo ipost sa social media, but if its to inspire other people do it, share it, post it pero it should be in control & moderation; wala na tayong magagawa kung yung mga taong nakakakita ng post mo ay mainggit, wala na sayo ang problema nasa kanila na 'yon.
Basta pag gumagamit ng social media it should be in control & moderation para iwas bad vibes!
And because our heart are full of hatred with each other, may we end this journal with a prayer:
![](https://static.wixstatic.com/media/ea17ed_bc9822d9349840fea2aa30704e36e576~mv2.jpg/v1/fill/w_449,h_280,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/ea17ed_bc9822d9349840fea2aa30704e36e576~mv2.jpg)
Comments