"Napakaraming nars dito sa amin ngunit bakit tila walang natira"
Frontliner. A Hero. A Noble profession. Mga katagang ating narinig sa panahon nang pandemya na COVID-19. Bakit ngayon lang? Hindi ba't hindi na naman natin kailangan nang NARS ika ng isang senador na itago natin sa pangalang Cynthia Villar? Sa panahon ngayon, nasaan ka? Hindi ba't ang mga taong binabaan mo ng tingin ang siyang buwis-buhay habang ikaw'y komportable sa loob ng iyong bahay?
Sa mga katulad kong nurse/medical professionals/ health workers, MARAMING SALAMAT SA INYO! Noon pa man, nakararanas na tayo ng diskriminasyon na pilit nating kinikimkim at ikinikibit balikat. LANG. Salitang hindi na maalis alis sa ating propesyon 'Taga abot lang ng remote' o di kaya'y 'Katulong lang ng Doktor'. Patuloy pa din sa serbisyo, dugo't pawis ang prinsipyo.
May mga lihim tayong nais kong sabihin. Pero teka.. Nais mo bang mag nurse? Sure ka na ba? Handa ka ba? Handa ka bang harapin ang mga pasyente mo, alagaan sila habang di mo mo maalagaan ang sarili mong pamilya? Handa ka na bang itaya ang buhay at oras mo para sa trabahong ito? Handa ka na ba sa butas ng karayom na iyong madadaanan? Ang minsang masigawan ng doktor sa harap ng iyong pasyente o di kaya makaharap ng pasyenteng pasaway habang sandamakmak na papel ang nagiintay sayo sa station? Handa ka na bang umuwi ng lagpas sa oras ng iyong trabaho? Magpigil ng ihi at tumayo ng ilang oras?
Mahirap siyang tunay. Ngunit bakit sa mata ng tao, tayo'y puro saya lamang? Tayo'y nga nars na mataray? Tayo ba'y pare-parehas lamang? Ang tingin sa isa ay tingin na sa lahat? Sa dami ng trabaho, mababa pa din ang sweldo. Ika nga, sweldong pang binata at pang dalaga. Masisisi mo ba ang mga nag ibang ibayo? Ngayong pandemya, anong hinahanap nyo? Diba't noon lang nagwika kayo "Wag ka na kumuha nang nursing, hindi siya in-demand"
Pero teka, akala ko bayani na ngunit bakit sa tuwing kami'y makikita may takot pa din sa inyong nga mata. Ayos lang matakot sa panahon ng pandemya, ngunit bakit may halong pandidiri? Sapat na ang pisikal na distansya na aming tinatanggap ngunit emotional distancing yata ang tatapos sa amin. Daan daang nurses at health workers na ang infected at libong mga workers pa ang hindi nakakauwi sa kani-kanilang pamilya. Itoy di dahil sa may sinumpaan kaming tungkulin ngunit maluwag sa loob namin na kayoy alagaan at pagalingin. Sana'y maluwag din sa inyo, mga mamamayan nang Pilipinas na kami'y tanggapin.
Nakalulungkot, bat nga ba ngayon lang? Kailangan talaga may isakripisyo bago kami kilalanin? Hindi lahat mataray, hindi lahat katulad ng mga kwentong inyong narinig.
Isang liham lamang ito para sa lahat. Respect all medical professionals and health workers. And as I end this letter, please support them. Show them appreciation. This might lift them from their hardships this trying times.
Ikaw? Magnanars ka pa diba? Laban!!
~ written by anonymous author.
Comments