top of page

Masahista ka lang

Writer's picture: Kirsten AlcazarKirsten Alcazar

      Sa panahon ngayon wala na masyadong tao ang nakaka-alam kung sino ba kami at kung ano ba ang naiitulong namin sa mga taong naaksidente... Unless ikaw ay isang pasyente ng rehabilitation center.


 A letter to those who take time to criticize healthcare workers 


Bakit ba napaka-daling husgahan ng isang medical professional? Maaaring may mga bagay kayo na hindi niyo nakikita kung kaya't napaka-daling magbitaw ng masakit na salitang masasabi natin sa isang tao. 

Isang liham hindi lang para sa mga Physical Therapist na nag-aalay ng kanilang oras upang mapalakad at mapagaling muli ang kanilang mga pasyente kundi sa lahat ng healthcare professionals na dumadaan sa tinatawag nating "Stereotyping"


Hindi kami madalas makita sa ospital hindi tulad ng mga nars, medtech at doctor... pero malaki ang aming naiiambag sa mga pasyenteng pumapasok sa ospital tulad ng ibang healthcare workers.

       Isa kaming Physical Therapist, pero madalas sabihan na "masahista" siguro dahil sa pangalan ng aming kurso "Therapy" pero hindi lang dun nasusukat ang galing at husay ng bawat PT. Madalas kaming naiihalintulad sa "Reflexologist" o di kaya "Chiropractors", napaka-daming masasabi sa aming kurso at mga ginagawa dahil sa mga mumunting bagay na nakikita niyo tungkol sa aming propesyon... 

Bilang isang estudyante ng kursong ito, nais kong maintindihan niyo ang aming propesyon sa likod ng mga pasyenteng aming napagaling at natulungan.


Hindi biro ang maging isang PT. Dugo't pawis ay inaalay namin sa bawat pasyenteng aming nakikilala. 

Bawat pighati at lungkot ay aming ramdam.

 

Mga bagay na biglang nawala dahil sa isang aksidente, nandiyan kami para tulungan at muling makabangon sa inyong prosthetic na mga paa. (Amputated patients)


Mabuhay sa sarili mong katawan na hindi mo macontrol, nandiyan kami para umagapay at tulungang mamuhay tulad ng normal na tao. (Parkinson's Disease)


Mga batang isinilang na maaaring hindi na gumaling ng lubusan, nandiyan kami upang maging kamay na umagapay sa kanila upang ipagpatuloy ang kanilang buhay. (Cerebral Palsy)


Katawan nating tila'y biglang nabali dahil sa aksidente, nandiyan kami para tulungan kayong muling ibalik ang lakas at optimal na gawain sa pang araw araw (Fractures & Dislocation Cases)


Gayundin ang mga pasyenteng nasa ICU...


At marami pang iba....


Bilang isang PT, isang privilage ang maging instrumento ni Lord upang maging sandalan ng mga pasyenteng ninanais na matapos na ang kanilang buhay dahil sa mga sitwasyong maaaring ikabago ng kanilang mga normal na buhay.


Maraming mga pasyente ang nagbago ang buhay dahil sa mga aksidente at mga sakit na pinagdadaanan nila, ngunit bilang isang PT paano mo masasabi na isa lang kaming masahista kung kaya naming:


makapag-palakad muli ng mga pasyenteng na-stroke


tulungang dagdagan ang buhay nila sa pamamagitan ng pagtuturo kung paano mabuhay sa kanilang bagong buhay na ang tingin natin ay "abnormal"


matulungang makabangon ang mga pasyenteng may mental health problem dahil sa kanilang pinagdadaaan (depression, anxiety, etc.)



Higit pa sa kaalaman ng taong mahilig "mag-criticize" sa aming propesyon ang kanilang nalalaman.


Bawat gabing aming inilalaan sa pagmememorize ng anatomy at physiology gayundin ang mga subjects ng iba pang medical professionals ay aming inaaral upang maging isang maayos at mahusay na PT.


Bawat pagsusulit na aming hindi maipasa at mga practicals na aming palaging pinaghahandaan na tila parang mahuhulog ang puso sa bawat tanong ng aming mga guro.


Sa dami ng muscles at butong kailangan naming tandaan at intindihin.


Sa bawat gamot na kailangan naming alamin upang maintindihan ang mga pwedeng mangyari sa pasyente namin habang naga-undergo ng treatment.


Sa mga pasyenteng mahirap makasalamuha.


Papaano namin magagampanan ang aming sinumpaang tungkulin kung pati ang lipunan ay mababa ang tingin sa mga healthcare workers.


Wala namang masama sa pagiging mausisa sa aming propesyon 

Walang masama kung magtanong kayo kung bakit may pagkakaiba ang bawat propesyon sa loob ng ospital.

 

" R E S P E T O"  Sa bawat frontliners na inyong nakikilala.

 

Hindi madali ang aming trabaho. Isang pagkakamali mo lang, maaaring mawalan ka na ng lisensya. Ang apat o limang taon mong pinaghirapan, maaring mawala sa isang pagkakamali lamang.


Hindi kami isang masahista lamang. Isa kaming healthcare workers na kayang dagdagan ang buhay ng mga aming pasyente. Maaaring kasama sa aming propesyon ang sinasabi niyong "masahista" ngunit higit pa doon ang kaya naming gawin. 

Ang yabang ng dating noh?


Hindi, hindi mo lang siguro kayang intindihin ang aming propesyon kung kaya't nasasabi mo yan.

Wala namang tao ang gustong makarinig ng panlalait diba? 

Ganun din sa amin bilang healthcare workers. Ibinubuhos namin ang bawat oras hindi dahil sa pera na aming nakukuha kundi dahil may mga taong nangangailangan ng aming tulong.


Hindi sapat ang matalino sa isang medical professional. Dahil bilang estudyante, ipinakita saken ng kurso ko na ang bawat pagsubok na pagdadaanan mo ay mas higit pa sa pagdadaanan mo sa future.

Kinakailangan na may determinasyon, passion at empathy ka sa bawat pasyente at future patients mo upang matutunan mo kung saan mo kukunin ang lakas na aralin at tapusin ang kursong iyong kinuha.

53 views0 comments

Recent Posts

See All

Knowing the Truth about Physical Therapy

Physical therapists, according to the American Physical Therapy Association,       are movement experts who optimize the quality of life...

Bình luận


Subscribe Form

  • facebook
  • twitter

©2020 by asktemi. Proudly created with Wix.com

bottom of page